DELUBYO NG KAGUBATAN: ITIGIL NA ANG PAGKAKAINGIN
Ang ating kagubatan ay dapat nating ingatan dahil dito tayo kumukuha ng ating pangangailangan. Tapos masisira lang ito dahil sa pagkakaingin? Ang pagkakaingin ay isang paraan upang maihanda ang lupa upang gawing sakahan o taniman ng iba't ibang gulay o iba pang pananim tulad ng palay sa paraan ng pagpuputol ng puno at pagsusunog nito upang gamitin ang mga abo ng mga punong ito upang gawing pataba sa lupa. Dahil sa kagustuhan nating gamitin ang mga lupain sa kabundukan sa pag tatanim, pagpapatayo ng mga pabrika at iba pang mga imprastraktura madaming mga hayop ang nawalan ng tirahan. Habang tumatagal hindi na natin napapahalagahan ang ating inang kalikasan at ang mga nilalang na nakikinabang dito. Ating protektahan at alagaan ang ating inang kalikasan. Dahil ang kalikasan ay isang yaman na dapat nating pahalagahan dahil maraming mga hayop at tao ang naghihirap. Ating dinggin ang sigaw ng kalikasan.